plumaatharaya:

“Exodus 3:14”

plumaatharaya:

The repentance of soul is not enough to purify the smoke which veiled the purity and the whiteness of the snow. The earth as the living purgatory is always opening the possibilities that an individual would be better or even could be far worse.

I am who I am. I am not a constant. I change as the contrary of such as the value of pi and of the ideal gas constant remains to what it is. I am not firmed, my foundations are easily shocked and in some cases, parts of it are easily shattered by the blows of the temptation of the evil and because of the weakness of the human nature.

I exist in this world full of challenges which could shock you to your very core. It is the world where every ideal and every ideologies and every point of views could be challenged or could even be twisted and showed in a different angles and different light. It is a world where even your very faith could be suddenly erased or put into the cliff of being abandoned.

I am not perfect, and I will never be. But I am always begging and striving for the perfection that I used to look up on from the very beginning of life that I can remember. It is the perfection that causes the resentment of my soul and the failure of my mind, the very perfection which is now killing me.

I always look at the past with tears in my eyes. I always cherish the moment of my innocence and of the little time I have before I met this cruel world. I miss the simple smile I used to project with the lips that God gave…the very same lips I am now used to curse anybody, even God himself. I always look back to the time when my simple mind used to believe of the existence of the sweet word love and of the warmth of the embrace of my God…the very mind which now question if the word love does truly exist and question the authenticity that there is a god.

I also contest the ages long saying that you are the creator of your path. You’re not, because humanity does not exist in a vacuum or in a controlled environment like a fish subjected to treatments and experimentation in the laboratory. Every single action taken by an individual can affect the whole system. A butterfly fluttering its wings in the Amazonas rainforest can generate a huge storm in the Pacific. Even the point of view or the concept of who you are, as some other people think of you can affect everything, even “concept” is an intangible and is not even considered as matter as how physics define it.

I am now feeding a serpent with the fruit of the blood and sweat capitalized by the two persons who made my way into the existence. I am feeding a serpent with the very food I am suppose to make my stomach feel satisfied and afterwards question myself if my actions are acceptable. But nevertheless, this actions do not cease…it is still happening and is still bringing the same questions for more than the time that three full moons can occur. I am giving myself to this serpent. I am giving everything even the very last thing that I can freely call my own. I cannot answer the question why and why I am continuously doing these things owing to the fact that it barely left a part of my soul unscathed. It is really painful, yet I cannot search for something reasonable enough to still hold on it. I am hoping to grow human heart on this serpent…that is what I want to do, however, I am not denying that I am putting into myself to the verge of the challenge that I may grow more even evil than this serpent. I am playing a game; it is do or die, make it or be dead, save or perish.

I do learn many things from the failures and from the successes of the persons who surrounds me. I do learn from the bruises and the painful wounds that I receive as the reward of my struggle. But I do not surrender. And I would never surrender.         

The inequity of the world is not a hindrance of my success. The obstacle that I always met on my way is nothing is just a part of the journey they call life. The challenge of the devil or even the devil, himself is, I believe, nothing compared to compare to the strength provided by my great God, even though my faith is shaking.

I will do the best that I can. The only thing that I beg to the world watching me fail and again, stand up is that they understand and be considerate enough to accept me of who I am, and who I will be.

Tomorrow, if you see me in the corner of the street, laughing at everyone who passed by full of the sticky grease and sleeping anywhere where twilight found me, approach me and say to me “ I accept you for who you are.”

If you, in the near future notice me as famous medical doctor or researcher, approach me and say “I accept me for who you are.”

If you found me to be priest, a poor, a meek, a professor, a teacher, a parent, a beggar, a friend, an enemy or whoever I would be, approach me and say “I accept me for who you are.

I have gone far with this personal short story of mine. I now challenge you, whenever you hear these little words of mine which I crafted to the best way that I can to express and show myself to ponder a little and ask yourself the questions which you have never asked for once in your life. Spend a little time with silence. Spend more time with children in their innocence or the elderly with their wisdom. Spend time looking for who you are. For who you are would shape your world.

I am who I am. I am not a constant. I change as the contrary of such as the value of pi and of the ideal gas constant remains to what it is.

I am who I am. I am not constant, I change. And with this change, world, I dare you. The very moment I revive from all the wounds that you have inflicted in me, and you have exhausted all your dirty occult of pain and failure you used to block my way, I would rise on your top and judge you.

I am who I am. I come here tonight no to be judged for you have been judging me for many times. You have been judging me not with the blindfold symbolizing your impartiality but with an open eye taking the side of my enemy. You have been judging me, but the balance you used is not certain and just, for it has been specially made to condemn me.

I am who I am. I come here tonight not to be judged, but hear me, I would judge you. Now, tremble. Tremble for I would be having no mercy on judging you. I, now, would be the inquisitor. 


 

 Salik-katha tumblr awards.

chentryx:

  Isa lang ang ibig sabihin ng pagiging tao: ang pagkakaroon ng limitadong oras dito sa mundo—  kanya kanyang mga pangarap na gustong tuparin, mga bagay na gustong makamit, at mga prinsipyo kung paano patatakbuhin ang buhay nila.  Kasama dito ang lahat ng kalbaryo sa paghahabol ng deadlines sa mga projects sa eskwela, pagkilatis ng mga nakapaligid na tao, at pagsunod sa kung ano talaga ang gusto mo sa buhay laban sa kung ano ang tanggap ng lipunan na maganda sa hindi.

  Normal na sa tao na matakot humarap sa mga malalaking pagsubok sa buhay dahil takot silang bumagsak at hindi maabot ang expectations ng iba, na nagiging dahilan kung bakit nananatili sila kung saan alam nilang kaya nila.  Ang pagkatuto, kahit kalian, hindi ‘yan naging mahirap sa taong may pagpupursigi at kagustuhang matuto.  Hangga’t nanjan ang gutom para sa kaalaman, hindi titigil ang paglago ng iyong karakter.

  Hindi ko alam kung ano ang susi para magtagumpay, pero alam ko na ang susi para bumagsak ay ang subukang i-please  ang lahat. Dalawa lang naman ‘yan: ‘ung mga iniisip nila pero hindi naman ginawa, o ‘ung mga ginawa pero hindi naman inisip. Kapag may isang nagsarang pintuan, huwag na nating patagalin pa ang panghihinayang doon. Dapat parati tayong nakatingin sa harap para sa ibang mga pintuang magbubukas pa.

  Ang pagbagsak ay opportunidad para magsimula ulit pero mas gagamitan na ng isip. Pansinin mo na iba ang mindset at attitude ng mga taong magsasabi na “Bumagsak na akong  sampung beses pero kaya ko pa!” sa taong magsasabing “Hindi ko na kaya. Isa akong failure.” Sila ang pumipili ng landas na tatahakin nila, kung tatahakin ba nila ito ng may positibong pagiisip, o kung tatanggapin nila ito at susuko. Meron kasi tayong free will na gawin at isipin kung ano ang gusto nating gawin. Kaya nga hindi totoo ang bad influence, or atleast para sa akin. Naniniwala akong experience is the best teacher. Or the worst teacher, paminsan minsan. 

  Lahat kasi ng tao, gustong umangat sa lipunan. Pagkukumpara—‘yan ang pinagkukunan natin ng kahulugan ang kaligayahan sa buhay. Diyan din nagsisimula ang paggawa ng depenisyon ng ano ang mabuti sa masama; ang mga nakukuntento sa kung ano ang meron sila at kung sino ang naiinggit sa kung ano ang meron ang iba. Nahihirapan tuloy tayo magtiwala at magkaroon ng inspirasyon para tumulong.

  Ngunit, kung dadami ang mga tao na naniniwala na ang pag-aaral ay hindi nakakulong sa pagmememorya ng mga nakalagay sa libro ngunit ang pagsasabuhay ng mga nakalagay dito, na ang pagtuligsa laban sa mga alam mong mali at pagtayo sa mga bagay na alam mong tama ang dapat isabuhay, at ang pagtitiwala na hangga’t kaya ay may magagawa ka para maging matagumpay ano man ang iharap na balakid sa’yo, tingin ko ay hindi malayo na ang tagumpay na ang manghahabol.  

Ito ang aking official entry sa  

Salik-katha tumblr awards.

bobonghenyo:

  Pinakamasayang araw para sa mga magulang ko at lahat ng kamag-anakan namin ang araw ng paglabas ng resulta ng LET Board Examination para sa mga nagtapos ng pagtuturo. Natutuwa ako’t nakapasa ako, hindi nga lang kasing saya ng mga magulang ko. Ni minsan hindi ko naman pinangarap maging guro. Gusto kong kumuha ng kurso tungkol sa paggawa ng pelikula dahil yun ang hilig ko kaya lang hindi kaya ng budget nina Nanay. Okay na rin to’ at least nakatapos ako, may degree, mayroong maipagmamalaki. Mabilis akong nakahanap ng trabaho. Nirekomenda kasi ako ng tiyahin kong titser sa eskwelahang pinagtratrabahuan niya. Tinanggap ko ang alok ng tiyahin ko. Sayang naman kung tatambay pa ako ng ilang buwan dito sa bahay bilang palamunin at para na rin makatulong sa gastusin ng pamilya namin.

            Dumating ang araw ng pasukan. Marami-raming estudyante ang nag-aaral sa eskwelahang pinasukan ko. Marami akong nakakasalubong na mga mag-aaral at bumabati ng “Good morning po ma’am”. Masarap din palang matawag ng ganoon, ang buong akala ko’y hindi ko na talaga magugustuhan ang pagtuturo. Dahil nga sa baguhan pa lamang ako, in-assign ako ng faculty sa pinakamababang section. Hindi ako sanay makihalubilo sa mga ganoong estudyante, gusto kong sabihin sa mas nakakataas sa akin. Noong nag-aaral pa kasi ako, madalas nasa section one ako at kinaiinisan ng klase namin ang mga nasa mababang section, bukod kasi sa mga pasaway, suki pa sila ng guidance office. Siyempre bilang baguhan, wala akong karapatang umaangal o mag-inarte man lang.

            Tinanggap ko ang klase na ibinigay sa akin kahit may alinlangan ako kung makakayanan ko ito. Nasa pinakadulo ng kabilang building ang room ng klase ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa classroom, patindi ng patindi rin ang kaba ko. Nang makita ko ang mga estudyante ko, nilakasan ko na ang loob ko at pumasok ng sa kanilang kwarto. Ayokong magalit pero hindi ko gusto ang nadatnan ko. Makalat, magulo at maingay ang kwarto. Isinantabi ko na muna ang inis sa mga estudyante ko. Kumuha ako ng chalk at isinulat ko sa blackboard ang pangalan ko. Nagpakilala rin ako sa kanila, tapos nito’y sinabi ko ang mga patakaran ko sa loob ng classroom. Tulad ng inaasahan, hindi sila nakikinig. Nabaling naman ang tingin ko sa isang magandang estudyante nakaupo nang tahimik sa isang gilid.

            Matapos kong magpakilala, hiniling ko naman sa mga estudyante kong magpakilala rin sila sa isa’t isa. Kahit mga pilyo at pilya, nakakatuwa ring pakinggan ang pagpapakilala nila sa sarili. Tinawag ko ang huling estudyante. Siya yung tahimik na estudyante sa isang sulok kanina. Dahan dahan siyang pumunta sa harapan. Hindi ko mainitindihan pero kaiba siya sa lahat ng mga kamag-aral niya. Hindi siya ngumingiti o ni nakikihalubilo sa kanila. Kahit hindi ko siya hinahawakan, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Gayundin din ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Nag-umpisa siyang magsalita at tumahimik ang buong klase upang mapakinggan ang tinig niya sa unang pagkakataon.

            “Magandang umaga, ako si Marisse Arcella, labing-limang taong gulang… Kakalipat ko pa lang sa lugar ninyo kaya hindi ko kabisado kung saan ako nakatira, transferee din ako sa school na to’.”

            Dahil nga’y maraming pilyo sa klase may isang estudyante akong nagtanong.

            “Marisse pala ang pangalan mo? Pwede bang makuha ang number para textmate tayo?”

Nagtawanan lahat. Maraming nanukso. Mukhang napikon si Marisse kaya nama’y lumabas siya sa kwarto. Pinatigil ko ang mga estudyante kong nang-aasar. Hinabol ko si Marisse pero hindi ko siya nakita. Sabi ng guard ng paaralan umalis na daw ito, umuwi na daw dahil masama ang pakiramdam. Bumalik ako sa room at pinagsabihan ang mga estudyanteng nang-asar kanina. Humingi naman sila ng tawad kaya pinalampas ko na ang kasalanan nila. Naging maganda naman ang unang araw ko ng pagtuturo. Medyo hirap nga lang ako sa advisory class ko, pero ayos lang, nakikita ko naman ang effort nila upang matuto at sumunod sa mga patakaran ko. Naiintriga pa rin ako sa mag-aaral na si Marisse. Gusto kong tanungin kung anong problema niya pero hindi kasi siya nagsasalita.

Sa pangalawang araw ng pagpasok ko, hinanap ko agad si Marisse. Hindi siya pumasok. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero sobra akong nag-aalala sa batang iyon. Isang linggo ang lumipas at hindi pa rin pumapasok si Marisse. Ang sabi ng ilan ay baka gusto nang huminto ng bata, pero sa tingin ko’y may pinagdadaanan lamang ito. Dahil sa pag-aalala, hiningi ko ang address ni Marisse sa registration office at pinuntahan ito. Luma ngunit malaki ang kanilang bahay. Mukhang may kaya ang pamilya nila, ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit sa public school siya nag-aaral. Nagtanong ako sa mga kasamabahay kung nasa loob ba ang estudyante ko. Kinumpirma nga ng isang kasambahay nila na naroon siya. Pinapasok ako sa bahay nila at sinalubong ako ng nanay daw ni Marisse.

Nakausap ko ang magulang ni Marisse. Naikwento nila ang nangyayari din sa anak at doon ko nalamang ampon lamang si Marissse. Galing daw ito sa DSWD. Matalinong bata kaya gusto nilang tulungan subalit hindi pa rin nawawala ang trauma nito. Di nagsasalita at laging takot. Hirap makihalubilo sa iba. Marami ng sinubukang paraan ang mga umapon kay Marisse upang bumalik ito sa dati. Sinali sa iba’t ibang organisasyon, inhingi ng tulong sa mga counsellor, ipinasok sa public school upang mas makahalubilo ang mga kasing edad niya, ngunit wala paring epekto. Hindi ko man nakausap si Marisse pero medyo naliwanagan na ako sa ikinikilos niya. Mahirap nga talagang bumalik ulit sa normal na buhay matapos ang traumang pinagdaanan, pero kung hindi siya matutulungan, mamumuhay na lang siya sa bangungot na iyon.

Matapos ang isang linggo, sa di malamang dahilan pumasok na si Marisse. Tulad parin siya ng dati, di nagsasalita, di rin nakikihalubilo sa iba. Matapos ang klase, sinubukan ko siyang kausapin. Inaya ko muna siyang magmerienda sa malapit na fast-food chain sa school, para gumaan ang loob niya at baka sakaling magkwento siya sa’kin.

“Marisse, anong gusto mo? Burger o spaghetti? Sabihin mo lang, treat ko.”

“Ma’am, bakit ako lang po? Sa dami po ng estudyante niyo, ako lang po yung pinagtutuunan niyo ng pansin?”

“Wala lang, nakikita ko kasi ang sarili ko sa’yo. May problema ka pero natatakot kang sabihin sa iba. O eto notebook, kung di mo kayang sabihin, isulat mo, baka sakaling gumaan ang loob mo.”

Tinanggap ni Marisse ang notebook na ibinigay ko. Natutuwa ako’t simula noo’y madalas na siyang pumasok. Wala pang masyadong pinagbago sa kilos niya, tahimik at di pa rin palakibo pero wala na ang takot sa mga mata niya. Isang araw, lumapit sa akin si Marisse. Kinamusta ko siya. Mukhang mas mabuti na ang kalagayan niya ngayon kesa noon. Ibinalik niya sa akin ang notebook na ibinigay ko. Pag-uwi ko ng bahay, agad kong binasa ang mga naisulat ni Marisse sa notebook na iyon.

Noong nagsasama pa ang tunay na mama at papa ko, laging naglalasing ang papa ko. Kapag nalalasing siya binubugbog niya ang mama ko tapos ako hinahampas niya ng sinturon. Natatakot ako. Lagi siyang sumisigaw, hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang sigaw ni papa. Salbahe siya! Galit ako sa kanya! Sinasaktan niya kami ni mama. Minsan umuwi na naman ng lasing si papa. Ako lang ang nadatnan niya sa bahay, wala si mama. Galit na galit si papa, kumuha siya ng sako, sinabit niya ako doon. Kahit ang lakas lakas ng iyak ko walang kapitbahay na tumutulong sa akin, takot din sila kay papa. Nakita ako ni mama sa ganoong sitwasyon, agad niyang hinampas ng bote ng redhorse si papa. Ibinaba ako ni mama. Habang sumasakit ang ulo ni papa, tumakbo kaming palayo ni mama. Yun na ang huling kita ko kay papa. Akala ko okay na ang lahat. Di na kami mahahabol at masasaktan pa ni papa dahil lumayo na kami sa kanya. Labing apat na taong gulang ako ng makilala ni mama si tito Maning. Mabait si tito Maning noong una. Lagi niya akong binibilhan ng mga damit at sapatos. Masayang masaya din sa kanya ang mama ko. Isang araw na lang nag-away sila ni mama. Nagselos siya sa isang kapitbahay namin. Mas nakakatakot siya kesa kay papa. Sinapak niya si mama sa magkabilang pisngi. Nagdugo pa nga yung bibig ni mama. Simula noon, lagi na siyang ganoon. Inutusan niya akong bumili ng alak, hindi ako nakabili kasi sabi sa tindahan bawal daw bumili ang menor de edad. Pag-uwi ko galit na galit si tito Maning, kinuha niya ang thermos na may mainit na tubig at itinapon sa akin. Likod ko lang ang napuruhan dahil nakatakbo agad ako. Para siyang demonyong tumatawa habang takot na takot akong tumatakbo papalayo. Hindi ko iyon sinumbong sa mama ko. Sasaktan daw ulit niya ang mama ko kapag nagsumbong ako. Sabi ko kay mama umalis na lang kami sa poder ni tito Maning. Ayaw ni mama. Mamamatay daw kami sa gutom kapag umalis daw kami. Minsan sinundo ako ni tito Maning sa eskwelahan. Nakita niyang kasama ko si Ernest, kaklase kong lalaki. Galit na galit siya. Inuwi niya ako sa bahay. Sabi niya katulad ko daw si mama na malandi, makati. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit si tito. Takot na takot na naman ako. Ikinulong niya ako sa banyo. Mabubulok daw ako dun. Kinabukasan nun, pinalabas na niya ako, naging mabait siya sa akin. Nagkunwari akong tulog. Sabi niya kung di daw mapupunta si mama sa kanya ako na lang daw. Nararamdaman kong lumalapit siya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya. Hinawakan niya rin ang maseselang parte ng katawan ko pero nagkunwari parin akong tulog. Baka saktan na naman niya ang mama ko. Lagi na niyang ginagawa yun sa akin. Nang minsan ngang naligo ako, pinasok niya ako sa banyo. Sumigaw na ako ng malakas. Parang dati ulit na walang tumutulong. Dumating si mama, kumuha siya ng kutsilyo. Ilang beses niyang sinaksak si tito. Punong puno ako ng dugo noon. Ikinulong nila si mama at pinaampon nila ako sa mommy ko ngayon. Natatakot pa rin ako…Natatakot… Gusto ko na ulit makita si mama…

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko sa nabasa ko. Grabe ang pinagdaan ni Marisse. Sa akin niya lang ito sinabi. Simula noon lagi ko nang mino-monitor ang kalagayan ni Marisse. Ayoko nang mangyari ang mga masasamang karanasan niya. Nakikita ko naman ang pagbabago sa ugali ni Marisse. May iilan na siyang mga kaibigan. Matataas na ang grades niya. Nagagawa na niyang tabunan lahat ng masasamang karanasan niya. Pakiramdam ko dinala ako ng Diyos sa propesyon na ito para makatulong sa mga estudyante ko. Hindi sapat na nagbibigay lang ako ng impormasyon sa kanila, ang mahalaga nabibigyan ko din sila ng inspirasyon upang mamuhay ng maligaya. Hindi ko man nasunod ang pangarap ko, pero alam ko sa sarili kong masaya ako at kuntento na sa ginagawa ko.

<WAKAS>


This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards

 

 

(via blognilabli)

missiridium:

All-in from today’s grave drudgeries and exertion,

I find myself dousing in sweat and mystification.

Whether to let laborious life leave and pass me by,

Or do something prolific, allowing my wits to fly.

 

Tips on shift, eyes on probes and a spirit in zeal,

I chose the latter, free as a whip on a sturdy drill.

There I sat on my snug, supple seat with prowess,

Watching my core’s identity ceased at its best.

 

Don’t you flicker; you might fail to spot it.

For the seeds chose to grow backwards; thrash it.

Under solid ground’s undue plates of tectonic,

Didn’t even bother to kick and reach the cosmic.

 

If to live the telltale of the country’s liberty,

Fought its way out of deprivation for a family.

Today, a mother’s mourning for a daughter,

For she has a sprout inside her without a father.

 

If only Cinderella’s redeemer with a wand is real,

I’d like to play plain pauper so I’d have a wish with a seal.

Not for me to enjoy the fab and glam till midnight,

But for my roots to trace its roots till it’s on clear sight.


Abashed, those who vow to protect the land!

Abhorrence! Those who float with the sand.

The every denial and word is like a bell,

Wasted the blood in you, into the depths fell.

 

Gone are those who dreamt for us to be free.

I beg you in the name of the pearl of the orient sea,

To seek for yourself  and be jovial of who you are,

No longer the perplexed, dreary disparaged star.

 

Believe in the power of today’s minds in synergy.

For a fruit never falls far from the its tree.

It’s never too late to make history up to this day,

Or else, for the rest of our life it’s Moanday till Shatterday.

This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards.

(via somesecret-deactivated20120525)

stinrob:

                 

            Nag-iisa, nalulumbay, napapaisip at palaboy-laboy sa kalye na di alam kung saan ba ang patutunguhan at saan magtatapos ang lahat. Ako si Ed binansagang tamad, dahil sa pagiging batugan ko, pero di naman talaga ako tamad e sadyang di ko lang hilig ang iilang gawain na dapat maging responsibilidad ko.

Isang araw habang himbing na himbing ako sa aking pagkakatulog, bigla kong narinig ang tilaok ng manok. Nang marinig ko yun bigla akong napabangon mula sa aking pagkakahiga at agad dumiretso ng banyo para maghilamos, momog at maligo. Matapos kong linisin ang sarili ko, agad akong lumabas ng banyo at nagtataka kung bakit di pa preparado ang school uniform ko. Kaya naman lumabas ako ng kwarto at hinanap ang aking nanay na palaging nagpaplantsa ng uniform ko.

“Ma! Ma! Saan na ang uniform ko? Bakit di pa napaplantsa?” inis na inis kong reklamo sa aking nanay.

“Hoy! ikaw Edmond, kelan ka pa ba matatauhan?!”  ang naiirita na sagot ng nanay ko.

Sa sagot niyang yun, biglang napatigil ang mundo ko at napaisip. Hindi ko alam kung anong isasagot at gagawin, pero biglang pumasok sa isipan ko na apat na taon na pala ang nakalipas mula ng magtapos ako sa kolehiyo.

            Sa pagpasok ko ng aking kwarto, di ko pa rin mawari kung paano at bakit umasta ako ng ganun kaninang umaga, kung bakit ang aga kong nagising at naghanap ng school uniform pero ayon pala graduate na pala ako sa pagiging estudyante sa kursong pinag-aralan ko sa loob ng apat na taon, at paano ako nahantong sa pagiging ganito, sa pagiging tambay at pabigat. Pero hindi ko rin naman ginusto na mauwi ako sa ganitong sitwasyon, sadyang mapagalaro lang talaga ang kapalaran at nabuhusan ako ng kamalasan. Nagtapos ako sa kursong nursing, apat na taon ring nagpakahirap ang nanay ko para lang patapusin ako na mayroong mithiin at pananalig sa puso na magsisilbi akong daan sa pag-angat ng pamilya namin, pero nabigo ko siya.

            Habang nakaupo sa malambot na upuan at nawiwili sa panonood ng telebisyon, linapitan ako ng aking nanay, pero di ko siya pinansin.

“Anak?” ang mahinahon niyang pagtawag sa akin.

“O? Bakit po?”

“May sasabihin sana ako sa’yo”

Sa sinabi niyang yun bigla akong napatanong sa sarili ko, kung ano ba nanaman ang mabuti o masamang balitang sasabihin niya.

“may kaybigan kasi akong nars na nagtatrabaho sa hospital doon sa syudad at nangangailangan sila ng mga volunteer nurses.”

Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi, dahil di naman siya nagtanong kung interesado ako. Hanggang sa..

“o? ano Edmond?! Aaplay ka ba o hindi?”

“oo na aaplay na ako ma” biglang sagot ko

“hay salamat! Buti naman anak”

At ayon napa-oo ako ng wala sa oras. Ginawa ko na rin yun para naman hindi na ako maging pabigat sa nanay ko at pamilya ko. kaya naman kinabukasan pumunta ako ng hospital para umapply bilang isang volunteer nurse, at sa mga oras nay un sadyang mapagbigay lang ata ang kapalaran sa akin dahil natanggap ako. At kinabukasan agad na akong nag-simula sa pag-duty.

            Sa unang araw ng trabaho nakakapanibago ang lahat, hindi ko na rin kabisado ang mga gawain bilang isang nars, paano naman kasi apat na taon rin akong naging tambay. Inasayn ako bilang attendant sa nurse station na kung saan madalas tinatanungan kung saan ang kwarto nito at nito tapos ni ano. Tapos takbo ditto, takbo doon dahil sa dami ng mga pasyente.

Matapos ang magdamagang trabaho agad na akong umuwi. Gustuhin ko mang gumimik kasama ang mga bagong mga kaybigan di ko magawa dahil sa butas ang aking bulsa. Kung kaya mas mabuti nang umuwi na lang ako at magpahinga. Pagkarating ng bahay agad akong kinamusta ng aking nanay, kung kamusta ba daw ang trabaho ko at ang tangi kong naisagot ay ayos lang. Nang bitawan ko ang salitang yun, may panibago nanamang siya balita sa akin.

“anak, ayos ka lang diba?”

“opo”

“kaya naman siguro, matatanggap mo ang balita ko”

Nagtaka ako sa linyang yun, dahil para bang nanakot siya na parang hindi naman. Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang magpatuloy sa kanyang sinasabi.

“anak, Edmond, hindi ka nakapasa sa nursing board exam”

Nang masabi niya yun ako na ang napatigil sa ginagawa ko, at napatingin sa kanyang mga mata at walang masabi. Ngunit ang tanging nararamdaman ko ay kahihiyan.

“diyos ko naman ed! Pang-ilang take mo na ‘to! Pero bakit di ka pa rin nakapasa?” mahiya ka naman Edmond! Anak naman o!” ang reklamo niyang may pagkadismaya.

Hindi na ako sumagot sa nanay ko, at minabuti na lang na pumasok ng kwarto. Sa aking pag-iisa sa silid nay un, nakatitig lang ako sa isang dirkesyon, sa kaing bintana at para bang may hinihintay. Nag-iisip, tinatanong ang aking sarili kung bakit ganun? Kung bakit hindi ko naman nagawang makapasa sa exam na yun? sobrang nakakahiya, sobra akong nahihiya sa nanay ko, sa mga kapatid ko, sa mga kamag-anak ko at higit sa lahat sa aking sarili. Napaisip tuloy ako na, baka nga totoo yung mga sinasabi ng ibang tao na bobo ako, na wala na akong pag-asang magtagumpay, na panghabang-buhay na lang ako aasa sa aking mga magulang.

            Matapos ang gabing yun, tanghali na ako nagising, dahil sa napuyat ako sa pag-aabang kay Darna. Nagbabasakaling sagipin niya ako sa kahihiyan na aking nararamdaman, ngunit nakalimot ako na di na pala siya nakakalipad dahil siya na ngayon si Amaya. Sa pagpasok ko sa aking trabaho, kitang kita ko ang mga ngiti sa mga kapwa ko volunteered nurses, dahil sa nagawa nilang makapasa sa exam. Habang ako naiinggit na lang sa kanila. Sa mga oras na yun parang gusto kong lumiban sa aking trabaho at bumalik sa kalye para makitagay sa mga tambay tapos magpapasagasa sa jeep o di kaya sa tren para matapos na ang lahat ng ito. Ayaw ko na kasi, hiyang hiya na ako. Ngunit ang sabi ng aking puso na ‘wag, na ‘wag akong mawalang pag-asa at kumpiyansa dahil ang lahat ng ito, ng mga kabiguang ito ay pagsubok ng Maykapal sa akin. Kung kaya naman naniwala ako, at sinabi sa aking sarili na kelangan kong lumaban, magbago upang magtagumpay.

            Hanggang isang araw pumasok ako ng hospital na mayroong tuwa at galak. Dahil akinse na, araw ng sweldo. Ang araw na aking pinakahinihintay. Ngunit biglang nawala ang tuwang yun at galak, dahil sa wala pala akong matatanggap na sweldo. Nakalimot ako, hindi pala ako registered nurse at tanging volunteered nurse lang ako na makakatanggap lamang ng allowance na di na bababa o tataas sa dalawang libo. Kaya naman ako na ang nawalan ng gana. Dahil sa nagsipag ako, kumayod, nagpuyat para lang sa trabahong ito, ngunit ang resulta wala pala akong matatanggap na malaking halaga. Kaya naman matapos ang ilang linggo ng pagsisipag, pagkakayod at pagpupuyat humantong ako sa isang desisyon na AYAW KO NA! itinigil ko na ang serbisyo ko sa hospital na yun. Bumalik ako sa dati kong gawain, patambay-tambay sa kalye, palaboy-laboy at higit sa lahat pabigat sa pamilya ko.

“Ed anak! Bakit ka naman bumitiw sa trabaho mo?”

“Ma, pwede ba ‘wag mo na akong kuliin”

“Pero anak, sayang naman kasi e”

Oo, sayang nga talaga! Pero pagod na ako at ayaw ko na! — ang sabi ng isip ko at minabuti na lang magpahinga sa kwarto dahil hinding hindi ako titigilan ng aking nanay.

            Sa ilang linggo at buwan na wala akong pinagkakaabalahan, nakakasawa rin pala. Walang magawa, kain, tulog, punta ditto, tambay ditto, makikinig sa sermon ng nanay, kakain ulit, lalakwatsa, tamabay naman doon at uuwi tapos matutulog na at sa pagsikat ng araw bangon nanaman at uulitin lang ang mga ginawa ko noong isang araw. Ngunit isang opurtunidad nanaman ang dumating sa buhay ko. May bagong kaybigan nanaman ang aking ina na bumisita sa aming munting tahanan. Naghahanap nananaman ng mga empleyado para sa isang mall na malapit lang naman sa aming lugar. At ayon, inalukan nanaman ako at tinanggap ko—tinangap ko na para naman matuwa sa’kin ang nanay ko. Ayon, matapos ang pagpasa ng mga requirements at interview laking pasalamat ko at natanggap ko.

            Kaya matapos ang ilang araw, pumasok na ako sa bago kong trabaho—na wala naming kaugnayan sa kursong kinuwa ko. Sa unang araw, masaya pa dahil malaki-laki ang sweldo, pero nung mga sumunod nang mga araw biglang pumiti ang uwak sa paningin ko. Bigla akong tinamad at tuluyang sumuko na sa trabaho ko. Kaya ayon, bumitiw nanaman ako sa pangalawang trabaho ko dahil sa di na ako masaya at hindi ako sanay na pinapagalitan ng ibang tao. Kaya naman minabuti ko na lang na layasan ang trabahong yun. Ngunit di ko nagawang layasan ang sermon ng nanay ko—pero sanay na rin naman ako e, apat na taon rin akong sinesermonan ng nanay kong yun.

            Ngunit kahit ilang beses kong tanggapin at sukuan ang mga trabahong inaalok sa akin ng kapalaran hinding hindi ito sumusuko na bigyan ako ng isa pang pagkakataon. Nabigyan nanaman ako ng pag-asa na magreview ulit upang mag-take ng nursing board exam sa ika-apat na pagkakataon. Sa aking pagrereview, maraming bagong mukha, mga mukha na halatang bagong gradweyt sa kolehiyo. Pero may mga mukha rin na nakita ko na dati at mga kapwa ko nang beterano sa pagrereview at pagbabagsak ng nursing board exam. Sa panibagong pagkakataong yun, nag-pokus ako sa pag-aaral na mayroong mithiin na tuluyan nang makapasa upang maipagmalaki ako ng nanay ko. Hanggang isang araw  may nakausap akong kaklase ko na kababago pa lang nagtapos sa kolehiyo. Tinanong ko siya kung bakit ba nagpapakahirap siyang mag-aral at pursigidong maipasa ang exam naming. At ang tangin naisagot niya ay.

“E kasi sa pamamagitan nito maraming buhay ang aking maaalagaannat posibleng maisagip.  At sa pamamagitan nito maipagmamalaki ako ng aking mga magulang, na nagpakahirap para supurtahan ang pag-aaral ko. At sa pamamagitan rin nito magagawa ko silang maihaon sa kahirapan.”

Sa sagot niyang yun para bang natauhan ako at nagbalik tanaw sa mga panahong nag-aaral palang ako sa kolehiyo. At aking nanay na nagpakahirap para tustusan ang aking pag-aaral na nagbabakasakaling magtagumpay ako sa propesyon ko at mabibigyan siya ng maginhawang buhay. Naisip ko rin ang apat na taong nasayang ko dahil sa naging tambay ako, palaboy at pabigat sa pamilya ko. Maging ang nasayang trabaho ko rin ng dahil sa katamaran at kawalan ng interes.

            Kaya ngayon, ako’y nalulumbay, nag-iisa, napapaisip at palaboy-laboy sa kalye na alam na kung saan ba ang aking patutunguhan ngunit di pa rin alam kung saan nga ba magtatapos ang lahay. Subalit ito ako nakatindig sa paliparan, hinihintay ang eroplanong maghahatid sa akin sa hinahanap kong kapalaran bilang isang registered nurse sa ibang ibayong dagat. At sa aking paglalakbay, ipagpapatuloy ko ang naudlot kong mga pangarap para sa aking sarili, pamilya at higit sa lahat sa minamahal kong ina.

 

Wakas.

 

 http://salikkatha.tumblr.com/ 

 

 

 

notaroyalprince:

          Pilit na inilalayo ang sarili mula sa anumang impluwensiya ng iba. Ikaw laban sa iba at ikaw laban sa lahat dahil sa tingin mo ay ikaw ang mas mahalaga at tama kaysa sa iba.

          Mula nang isinilang ka, ang pag-inog ng mundo ay tila lumilihis na mula sa dapat nitong kalagyan at unti-unti na nitong tinatahak ang rebolusyon paikot sa iyong sarili. Ikaw na ang siyang sentro ng lahat ng bagay na may kinalaman sa pagkatao ng isang nilalang. Mga desisyon, ugali at nais sa buhay ay ilan lamang sa mga nahuhulma na siyang nadadala hanggang sa ang sanggol na ikaw ay natuto nang tumayo sa sariling mga paa.

          Sa pagdedesisyon, sarili ang siyang napupunta sa unang bahagi na pinapahalagahan. Talo mo pa ang may kapansanan at may edad sa buhay sa pagpapahalaga sa sarili. Ikaw muna bago ang iba ang siyang bagay na ipinupukol mo sa iyong isipan upang ikaw ay hindi mapag-iwanan ng mundong hindi kailanman hinintuan ng oras.

          Katuwang ng bawat desisyon ang nais at ugaling sa sarili pa rin nakabatay. Dahil dito, ang pagiging makasarili ay unti-unti nang pumapasok sa eksena. Pinapaburan ang sarili sa bawat hakbang na isasagawa, mapamaliit man ito o malaking bagay. Bigyang pansin na lang natin rito ang kaisa-isang tren na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA na batid naman ng nakararami na ito ang pangunahing transportasyon na ginagamit ng mga Pilipino tuwing uuwi at papasok sa trabaho o paaralan man. Isang paalaala ng tagapamahala na bigyang prayoridad ang mga buntis, may kapansanan at may edad sa buhay sa pag-upo sa loob ng tren. Kahit pagod ka galing sa dibdibang pag-aaral o puspusang pagkayod, pinapaupo mo pa ba ang mga taong katulad nila gayong hindi naman malalaman ng iba na hindi mo pinaubaya ang iyong upuan? Bilang karagdagan, kung ikaw naman ay kinabitan na ng mabangong pangalan, tiyak na walang pag-aalinlanga’y papaupuin mo sila dahil panibagong pabango na naman ang kakapit rito na iyong iniingat-ingatan.

          Sarili ang mahalaga at sarili lang ang tama. Tanging ang bagay na iyong naiisip lamang ang siyang pinapanigang tama. Hindi mo kailanman pinakinggan ang ibang mungkahi o kuru-kuro mula sa ibang taong nakapaligid sa iyo. Maaaring pinakinggan mo nga ngunit pinakinggan lamang sa paraang hindi mo na ito susuriin pa kung umaayon ba ito sa kabutihan o kasamaan. Ikaw lamang ang tama at ikaw lamang ang nararapat na tama, iyan ang sa tingin mo’y dapat na masunod dahil ikaw at ang mga salita mo’y mas makapangyarihan laban sa iba.

          Sa lupaing Pilipinas na binulaklakan ng mga taong may mundong umiikot sa sarili lamang, bakit hindi buksan ang isipan at linawan ang pandinig sa anumang bagay na may kinalaman sa nilalang na tulad mo? Ilihis muli ang rebolusyon ng mundo sa dapat nitong kalagyan. Hindi lamang ikaw ang tao rito at mas lalong hindi lamang ikaw ang nilalang na nabuhay sa mundo. Subukan mong alisin ang tapaoho na matagal nang itinakip sa iyong paningin upang ang buong mundo ay makita mo at maging lantad sa anumang bagay-bagay sa mundo.

          Ikaw lamang ang siyang makakapagpabago sa pag-ikot ng iyong mundo.

This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards

(via peecee-ay)

00iayeja:

This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards

00iayeja:

This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards


(via pan-fried-pluma-deactivated2013)

joetumambo:

Mula ulo hanggang paa - dugo ang nakayakap sa aking katawan. Hindi ko pa man nalalasap ang aking unang paghinga, ako na’y binansagang makasalanan. Sa akin ibinato ang isang kasalanang minana. Sa akin ipinako ang isang pangalang pag-aari ng iba.

Sa isang malaking tahanan, ako’y kanilang dinala. Isang tahanan kung saan ginto ang mga tinidor at kutsara. Isang baso ng tubig ang sa akin ay ibinuhos. Hindi man ito mainit, ngunit ang aking balat ay nalalapnos.

Sa kahoy ako’y kanilang inihiga – ang mismong kahoy kung saan ang kanilang sinasamba ay gawa. Sa kanilang mga noo, abo ang nakadikit – ang mismong abong anino nila sa kanilang pagdilat at pagpikit. Kanilang mga bibig, panghuhusga ang sinusuka – ang mga bibig na nabubusog sa sariling salita. Kanilang mga daliri ay nagtuturo – ang mga daliring may madudumi’t mahahabang kuko.

Ako’y isang sanggol na pinalilibutan ng mga anghel na huwad. Mga anghel na ang mga sungay ay panandaliang hinubad. Ako’y pinandidilatan ng mga makasariling mata. Ako’y isang sanggol na hindi pa man nahihipo ng araw ay isa nang makasalanan mula ulo hanggang paa.

Ito yung entry ko sa Salik-Katha Tumblr Awards

  1. Siguraduhing naka-post sa inyong Tumblr Account ang inyong pinadalang akda sa aming email address. I-tag ang #salkikatha at tiyaking naisama ang logo at link ng Salik-Katha Tumblr Awards.
  2. Mangyaring i-reply dito ang link patungo sa post ninyong iyon nang sa gayon ay mai-post namin ang listahan ng mga akda dito sa Tumblr.
  3. Sa Pebrero 29 na ang huling araw ng pagpapasa. Sa mga hindi pa nakakasali, ano pang hinihintay ninyo?

Hanggang Pebrero 29 pa maaaring magpasa. Tuklasin dito kung paano.

themed by coryjohnny for tumblr